Jeepney “Hate” Stories

Kung binabasa mo ito, malamang curious ka siguro kung bakit napalitan ang title ng isang kanta ni Miss Yeng Constantino….Or maybe, you got intrigued kasi Nakaranas ka na rin ng mga ganitong eksena.
Alin man dun, I just wan to express my feelings sa mga klase ng taong talaga namang nakaka “High-Blood” pag nakatabi mo sa jeep, garantisadong mababad-trip ka pag sila ang natiyempuhan mo :)
PS: I just wrote this one for fun, so kung natamaan kayo, too bad for you.

Sakit sa ulo #1 :
-Yung mga taong gagawin kang TAGA-ABOT ng sukli sa driver at wala manlang THANK YOU kang maririnig na parang OBLIGASYON mo pang pagsilbihan sila dahil katabi o malapit ka sa driver…. Utusan lang?!
Sakit sa ulo #2 :
*Yung mga taong ang laki-laki ng space pero GIGIT-GITIN ka talaga, pwede naman umusod ng konti diba?! kasi hindi naman DALAWA ang ibinayad niyo, hindi naman mababawasan ang pagkatao ninyo pag isinara niyo ng konti yung mga binti niyo kasi pwede ka na halos humiga at magpadulas ng pabalik balik sa laki ng space….Di mo alam kung may masama ng binabalak sayo o sadyang nagti-trip lang…Ansarap ilag-lag para medyo lumuwag naman diba?!
Sakit sa ulo #3 :
*Yung mga taong amoy EWAN…..I understand kung may PINAGDADA-ANAN man kayo ngayon, iniwan ng minamahal, binasted ka man o wala kang weekly budget…kahit ba WALANG SABON eh! shampoo lang pwede na, maging malinis ka lang diba?! kasi last time I checked USO pa MALIGO hanggang ngayon…
Sakit sa ulo #4 :
*Yung mga taong hanggang sa jeep ay dinadala ang pagiging TSISMOSO at tsismosa….yung titingin sa cp mo habang nagtetext ka tapos pag napansin mo, biglang titingin sa iba o magkukunwaring may kinukutkot sa bag nila or inaayos yung damit…… nahuli na nga lulusot pa…
Sakit sa ulo #5 :
At higit sa lahat, yung mga taong ANLAKAS NG LOOB pa-upuin yung mga kasama nilang bata ngayong DI NAMAN ISINAMA SA BAYAD!! at obvious naman na SIKSIKAN na, pero pilit parin PAGKAKASYAHIN kahit hindi na nga pwede, yung tipong kulang nalang patayuin ka pa para magkasya yung mga anak nila…oo, PWEDE naman paupuin kung hindi na kaya or nahihirapan na yung bata‚Ķ..pag MALUWAG PA or hanggat walang may-bayad na magigit-git ng sobra! Mga ATENG AT CHONG, kung gusto niyong makaupo ng matiwasay ang mga anak niyo, wag na kayong manghinayang sa 8 pesos na pamasahe…IBAYAD niyo na kasi!
Masaya at Tipid talaga pag magco-commute ka by means of riding a jeep or jeepney…Pero wag naman sana umabot sa puntong mabwisit ng bonggang bongga ang magiging katabi mo.